Bundok at Bato ay maging buhangin pero si sHabu ay di pwede higupin....

Home » Archives » October 2008

MY Games..

October 29, 2008

 Sugarol talaga ko dati.. Video karera, Beto beto, ADDING, elementary palang ako ganyan na mga sugal ko.. Nagpapatalo ko ng 500 sa video karera.. pero sa totoon karera ng kabayo d naman ako masyado naadik.. kasi ang tagal ng pera dun e at mahirap manalo…natigil ko lang Pagsusugal ko sa video karera nun nagkaroon ako ng Playstation…Nung College naman nag bibilyar ako pag may mga pustahan ako lumalaban din ako.. kilala ko sa Tinambayan ko dati dahil halos dun na talaga ko natutulog.. Gumaling ako sa bilyar pati ako dumadayo na kahit matanda pa kalaban.. Di pa naman ako naging Class S nun pero masasabi ko sa Division ko nasa Class C ako.. Nagpapatalo dn ako libo libo na nun..malakihan na kasi…

Nadaadik ako sa PC nun nakita ko mga tropa ko naglalaro ng Counterstrike.. try ko maglaro nun.. natuwa ako kasi barilan eh..hahaha tapos hanggan sa nauso nga CS nagkakapustahan kht bayad rent ng pc lang.. pero pag may dayo pumupusta lang ako.. Mahilig kasi ko sa sugal eh.. minsan pag 500 pusta 400 sakin.. pero pag nanalo pinapakain ko lang yung mga player sa shop.. tapos yung talo hindi ko pnapakain hahaha…

 tapos nilaro ko SIMS, NBA, RED ALERT, BATTLEREALM, HITMAN… Naadik din ako sa MIRC… AT SA YM dahil sa DEATHROW CLAN.. dun ko dn nakilala ung iba ka clan ko nun naglaro ako ng Audition..nung una try ko palang Wala ko alam sa mga OL games may RAGNA na nun di ko nilaro..d kasi ko natuwa.. AUDITION try ko.. tpos nun Install ko sa PC ng AUDITION.. DUN ako nag adik tpos may mas naadik pa sakin si shobe.. Load lang ginagamit ko sa net.. halos 100load a day ako nun..Yun na nga naglalaro kami ibang ka clan ko madalas hanggan sa nakilala namin ibang ka shop nila si EMER, MON, ERIK at may kaibigan ako nun si PINKCHIQ na di ko alam pano sila nagkakilala ni shobe at minsan nagkatuwaan gumawa ng CLUB AUDITION BABIES DAW… sabi ko baduy hahaha parang bading.. gumawa si erik ng THREAD bulok pa nga e hahaha… sa dating forums muka kawawa talaga ung forums namin kukumpara sa ibang club.. kaya naisip ko mag aral ng adobe.. pakapa kapa.. hanggan sa natuto ko gumawa ako ng gumawa ng Design.. at umaasenso naman.. dahil sa Design ko kaya siguro maraming dumadalaw.. yabang ko nho hahaha.. nabura nga ung forums namin nawala.. at pinaka ENEMY ng CLUB ko ung D’NOOBS.. pero patagal ng patagal member nila napupunta sa CLUB namin at parami kami ng parami… Kasi wala TEST club namin eh.. Basta nag Fill Up ka sa FORUMS OK ka na… Hanggan sa nagkakaroon na ng EB.. tpos nagkaroon ng Change nick.. Hanggan sa naging Club Of The Month kami nun April 2008.. at hanggan ngyn buo parin ang club namin kahit nagkakaroon ng problema still strong parin.. kahit naglaro ako ng ibang games di ko maiwan toh.. kasi andun c shobe..hahaha

 naglaro ako ng cabal nakakilala dn ako ng ibang tropa pero hanggan ngyn di parin kami mga nagkikita kasi malayo sila eh.. pampanga… ung iba kalat kalat… madami na dn ako nilaro games.. Special force, crazykart, freestyle, madami pa…

Kaya hanggan d2 nalang muna kasi mag lalaro na ko.. hahaha

Posted by shabu at 10:51 am | permalink | Add comment

MY STYLE & MY EXPERIENCE

October 28, 2008

Ako ay isang taong madaling magtiwala, style ko Swabe pero Rock.. Di ako Malihim na tao.. style ko na yung pagiging makulit siguro dun ang way para madali ka makisama…

Siguro nga tulad ng sabi ko Mahilig ako s adventure Marami ko gustong subukan noon ung iba nasubukan ko Wala naman ako pinagsisihan sa mga natry ko dahil Adventure nga e…Pero isa lang tanong ko Masaya ba ko? HINDI

Napasali na ko sa Frat, Bulakbol sa School, Billiard, Inom, Yosi, Drugs,Hikaw s tenga,labi,Dila at Sex Yan ung mga Di ko makakalimutan Experience ko… Madalas sasabihin ko na Talo ko.. kasi minsan di ko natry yung Gusto ko.. Tulad ng sabi ko Hindi ako masaya pero hanggan ngayon Gusto ko parin ng Adventure Di ka nga maligaya at masaya… Pero natry mo at nalagpasan mo.. OO dati lagi ko sabog Pero ang tunay na kaligayahan yung Makasama mo Pamilya mo siguro Di pa ko ganun Kadalas magsimba.. at di ganun kalakas sa diyos.. Pero someday Makikilala ko din sya.. Yun nalang ang Adventure na inaantay ko…

Posted by shabu at 10:57 am | permalink | Add comment

Hate & Like

Gusto ko sa Tao ung makulit,masarapkasama at pagkakatiwalaan.. Yoko ng plastik na tao pabida at masyadong maarte.. yung nanlalamang sa kapwa…badtrip na badtrip ako sa maangas, mayabang at mapagmataas na tao…

 Yoko naman sa Pagkain magulay at maarte na luto…. simple lang na ulam ok na ko basta di gulay haha..

Mahilig ako sa Trip, Adventure madalas kc andun ung trill.. lalo na pag tropa kasama sa mga kalokohan and ayoko yung may sisira sa plano…

di naman ako mahirap pakisamahan… basta yun na yun…

Posted by shabu at 10:46 am | permalink | Add comment

LOVE

Nung una Siguro Malas ako d2.. Lahat ng Girl Busted ako.. hahaha Pero nun 1st Baby ko sa Bestfrend ko akala ko yun na Hindi pala naibabawan kasi ko eh kaya nakabuo… masyado nasakal ako kaya kahit mahirap nagdeside ako iwan na sya at sya din naglayo sakin sa baby ko…

Pero nung nakakilala ko ng 1 Girl At hanggan ngayon kasama ko pa sya mag 6yrs na kami magkasama.. Final ko na sasabihin na eto na Last…

Nakilala ko sya dahil schoolmate ko sya sa AMA may iba ko nun un nga asawa ko nun una.. and meron sya kakabreak lang totaly di kami close.. and 1day kukuha ko ng ID sa Office pinahanap nalang sakin ung ID ko madaming ID dun kaya nun nakita ko ID ko sosoli ko na sana ung mga ID kaso biglang sabi ng tropa ko wag daw muna Tingin pa daw ako ng ID ng iba nun tinuro nga nya ung ID ni Louella tapos may Landline Tinandaan ko.. And minsan tinawagan ko toh.. nagpanggap ako iba.. di ako nagpakilala ginamit ko name ng classmate ko.. siguro una Trip hanggan sa umamin ako na ako un tumatawag.. then naging classmate ko sya s isang subject nawala yung kulit ko nangibabaw ung hiya.. at nararamdaman ko na pinag uusapan nila ko s likuran ko hahaha…tpos nun drop na ko s subject ko na un hanggan sa nagkakausap parin kami.. nagkaroon ng miss AMA kasali sya.. sinamahan ko sya tumingin ng Damit pero ndi pa kami.. Akalain nyo kumapit sa malaking Braso ko hahaha… hanggan sinama ko sya s lugar namin dun kami kumain ng LechonRice sarap na sarap sya sa Sabaw=)).. nagkaligawan sa pag Uwi hanggan sa naging Kami pero Secret lang.. Dahil maliit lang mundo mo s AMA.. pero wala sekreto na d mabubunyag kaya nun nagkwekwento sya s tropa nya kinain namin narinig ng tropa ko sa ama alam nila un kinainan namin kaya ayun nagkahinala sila sakin… Pero ang sabi nya sakin Sabay lang daw sya mangyayari sa Relasyon namin & 1day balak na pala nya ko iwan ngunit naunahan ko sya Di nya alam na pinaglalaban ko na sya sa ASAWA ko.. hanggan sa nalaman at dinala ko na sya sa bahay… ayun di na sya umuuwi sa kanila at hanggang sa nagkaroon kami ng 2kids na makulit…. Kahit may mga problema na dumadating andyan parin kami at matibay na nagsasama…

Posted by shabu at 10:03 am | permalink | Add comment

FAMILY

Pamilya ko..

Masaya ko Buo pamilya ko.. kahit malayo erpat ko alam ko andyan lang sya… Full support sya samin..kahit Hirap na.. Kahit madaming problema wala kami paki… Basta tuloy tuloy lang ang buhay.. adventure din pamilya ko.. dumarating na sa 1 araw talaga last money na namin 200php nalang nagagawaan pa ng paaraan kahit malayo pa dating ng pera.. Mahal ko parin erpat ko.. Lalo na yung time na Nakabuntis ako sya Ang kinatakutan ko Baka Di nya matanggap pero baliktad pala mahilig pala sa Bata tatay ko excited sya nun..Siguro dahil sa naging solo anak ako at nung maliit ako madalas kasi ko pinapalo hahaha… sanay na ko na malayo sya dahil nag wowork sya sa ibang bansa pero Minsan nasisi na nya si mama dahil sa mga pinag gagawa ko sa buhay ko.. maya kwento ko sa inyo kung ano pinag gagawa ko sa buhay ko..

Kay mama naman kahit makulit dahil sa sakit nya OK parin naiinis lang ako minsan sa kakulitan nya ung Utos na wala naman kakwenta kwenta.. Mahal ko parin yan.. Wala naman siguro anak na tinakwil ang magulang…. at walang magulang na itinakwil ang anak… sa una lang un kala nyo lang un… siguro pag napuno na sa inyo dahil sa kakulitan… after naman nun OK na ulit eh.. 

Masasabi ko lang Especial MOMMY & DADDY ko yan wala na papalit… & DI kasi ko mapagsalita sa personal ung mga gusto ko sabihin di ko masabi.. Kaya Siguro dito ko na naibuhos lahat… Kung Meron man ako Gusto sabihin sa kanila ngayon Sorry & Thank you lang.. Sorry Kung Di ko nagawa ung pangarap nila Makatapos at Matulungan sila.. Thank you dahil Naging MOM & DAD ko kayo…

Posted by shabu at 9:46 am | permalink | Add comment